ano ang karaniwang katuturan ng salitang kalayaan??​

Sagot :

Answer:

Ang Karaniwang Katuturan ng Kalayaan?

Ang karaniwang katuturan ng salitang kalayaan ay ang pagkakaroon ng kararapatang gawin ano mang naisin ng walang pumipigil. Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat na magkaroon ng masaya at maayos na buhay ayon sa nais ng indibiduwal.

Explanation:

Likas sa isang indibiduwal ang maging malaya at dito naman nagsimula ang lahat lalo na noong mga naunang panahon. Ang ganitong uri ng kasarinlan ay natamasa lamang ng mga naunang tao sa lupain gaya ng ating bansa. Sa makabagong panahon, malinaw na ang maaari nating gawin ay may hangganan. Sa kabila nito, mayroon pa rin mga tinatamasa na mga kalayaan na kaakibat ng ating karapatan.

Ilang mga halimbawa ng Kalayaan:

  • Makapag-aral.
  • Makapili ng uri ng ikabubuhay.
  • Pumili ng makakasama sa buhay.
  • Manirahan sa lugar na mapipili.
  • May kalayaan tayong sumamba sa ano mang relihiyon na ating pipiliin.

Ang mga nabanggit na ito ay may kasama na responsibilidad at hangganan kaya’t hindi ito lubos ang mga ito. Dahil sa mga naitayo nating sistema ng gobyerno na mayroong ibinigay na mga panuntunan at maaaring ipataw na kaparusahan sa hindi susunod.

Sa kasalukuyan, ang kalayaan ng mga mamamayan ay unti- unting nababawasan dahil sa iba’t ibang kadahilanan.  

Ilang kadahilanan kung bakit nababawasan ang kalayaan ng mga mamamayan sa pagdaan ng panahon:

  1. Isang dahilan ang pag laki ng populasyon.
  2. Ang pagdami ng iba’t ibang uri ng kalakalan.
  3. Ang paglaganap ng krimen sa lipunan.
  4. Ang paglaki ng gobyerno

Ang pagdami ng tao sa isang lugar ay makakapagdulot ng iba’t ibang problema na kasama sa pagsulong ng lipunan. Kabilang dito ang pagkakaroon ng iba’t ibang pagkakakitaan, ang pagdami ng mga papasok sa iligal na gawain. Ito ang nagiging dahilan upang lumaki ang gobyerno at lumawak ng nasasakupan ng kapangyarihan nito. Upang magawa ng pamahalaan ang pagsasaayos ng bayan, unti-unti nitong babawasan ang kalayaan at karapatan ng mga mamamayan at maaaring umabot sa halos pagkawala ng “privacy”. Ito ang natural na mangyayari sa lahat ng lipunan na nagnanais umunlad.

( Ito po ay aking ginaya lamang sa totoong may-ari nito. Sana po makatulong. )

Link: https://brainly.ph/question/393662