Gawain 3 Narito ang ilan sa mga pag-iingat na dapat nating gawin sa ating mga tahanan. 1. Isara palagi ang pintuan. 2. Iwasan makipag-usap sa mga hindi natin kakilala. 3. Isulat ang mga numero na maaaring tawagan sa oras ng peligro. 4. Magpaalam palagi sa magulang kung saan pupunta. 5. Umuwi sa tamang oras. Ang pagsunod sa panuto ay napakahalaga. Upang lubusang makasunod sa mga panuto, kailangang unawaing mabuti ang kahulugan ng bawat salitang ginamit dito. Ang maayos na pagsunod dito ay isang pagpapatunay lamang na ang bumabasa, nakikinig at sumusunod ay mga taong madaling makaintindi. Ang hindi pagsunod dito ay nagpapatunay lamang ng kamangmangan o pagwawalang-bahala. Maraming pagkakamali, pagkalito o pagkagambala ang bunga ng hindi pagsunod sa mga panuto. Panuto: Sundin ang mga nakasulat na panuto. 1. Gumuhit ng isang puno sa tabi ng isang bahay kubo. Sagot:
2. Isulat ang buong pangalan ng matalik mong kaibigan sa loob ng isang bilog. Sagot:
3. Gumuhit ng tatlong tatsulok sa loob ng isang parisukat. Sagot:
4. Iguhit ang paborito mong alagang hayop. Sagot: Paturol - ito ay nagpapahayag ng pagkaganap ng gawain o pangyayari sa tatlong panahon pangnadaan, pangkasalukuyan at panghinaharap, gaya ng nagsaya, nagsasaya at magsasaya at nagbayad, nagbabayad, at magbabayad. Halimbawa: Ang bayan ay nagsaya sa araw ng kalayaan. Ako ay nagsasaya sa kaarawan ko. Magsasaya ang daigdig sa araw ng Pasko.
6
5. Gumuhit ng tatlong lobo at kulayan ng pula, asul at dilaw. Sagot: