paano naging malaking piyesa ng kasaysayan ang nobelang isinulat ni Rizal na pinamagatang NOLI ME TANGERE? ​

Sagot :

Answer:

1. Taong 1886. Ito’y isang taong hindi malilimutan ni Rizal dahil: 1. Nakaranas si Rizal ng matinding gutom at paghihirap sa salapi. 2. Sa taong ito naisulat ni Rizal ang obra maestrang Noli Me Tangere.

2. Naisipan ni Rizal na sumulat ng Noli Me Tangere dahil sa tatlong aklat na nagbigay sa kaniya ng inspirasyon: 1. The Wandering Jew ni Eugene Sue 2. Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe 3. Biblia

3. Ang The Wandering Jew ay tungkol sa isang lalaking kumutya kay Hesus habang siya ay patungo sa Golgota. Ang lalaking ito ngayon ay pinarusahan na maglakad sa buong mundo nang walang tigil.

4. Tungkol ito sa pagmamalupit ng mga puting Amerikano sa mga Negro. Tumindi ang pagnanais ni Rizal na makabuo ng aklat na tumatalakay sa pagmamalupit ng Kastila sa mga Pilipino.

5. Ipinanukala niya ang ideya ng pagsulat ng Noli sa mga kaibigan niyang propagandista noong Enero 2, 1884. Lahat ay sumang-ayon kaya’y hinati-hati na agad ang mga kabanata upang isulat ng kaniyang mga kasama.

6. Sa kasamaang-palad, ang panukala ay nabigo. Walang naisulat ang mga kasama ni Rizal dahil nawili ang lahat sa sugal at tungkol sa pambababae ang nais nilang isulat. Walang nagawa si Rizal kundi isulat ito nang mag-isa.

7. Ano nga ba ang ibig sabihin ng “Noli Me Tangere”? Ito ay nagmula sa banal na katagang “Huwag mo akong saligin” o sa Ingles ay “Touch me not” na nanggaling sa Biblia.

8. Dahil sa maselan ang isyung tinatalakay dito, walang Pilipinong naglakas ng loob na sumalang. Naging matapang si Jose Rizal sapagkat inilantad niya ang mga kabulukan ng pamahalaan at simbahan.

9. Ang Noli ay sinimulang isulat ni Rizal sa Madrid, Espanya noong siya’y 24 na taong gulang. Itinuloy niya ito sa Paris, Pransya at tinapos sa Wilhemsfield, Alemanya noong Pebrero 21, 1887. Dahil nga naghihirap, tiniis ni Rizal ang lahat para lamang mailimbag ang nobela.

10. Berliner Buchdruckrei-Action-Gesseichaft ang palimbagang nag-imprenta ng Noli Me Tangere sa halagang P300 para sa 2000 kopya.

11. Nang dahil sa pagkagipit at pagtitipid ni Rizal, inalis niya ang isang kabanata sa Noli. Inalis niya ang “Elias at Salome”. Makikilala niyo pa si Elias sa ating pagtalakay.

12. Isinulat niya ang Noli Me Tangere upang mabuksan ang mga mata ng Pilipino sa kanser ng lipunan na nangyayari sa bansa. Ito ay ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.

13. Nawa ay mabuksan din ang inyong isipan sa kung paano tayo nabuhay noon at ang naging epekto nito sa kasalukuyan.

Explanation:

PA BRAINLIEST PO