Answer:
Ang Pagbagsak ng Emperyong Romano
Maraming dahilang kung bakit bumagsak ang emperyong Romano, ngunit narito ang ilan sa mga kilalang dahilan:
Dahilang pang-militar:
Ang pagsakop ng mga tribong Germanic na kinokonsidera bilang mga barbarian sa emperyo ng Roma
Ang paghina ng hukbong Romano dahil sa pagkawala ng disiplina at pagkukulang sa ensayo
Dahilang pang-ekonomiya:
Mas mataas na buwis na binabayaran ng mga mamamayan ng Roma, na ibinubulsa lamang ng pamahalaan
Pagkukulang sa bilang ng mga magsasaka
Ang pagkawala ng mga mamamayang middle class
Ang pagka-depende ng mga tao sa mga alipin para sa lahat ng bagay
Dahilang pampulitika:
Matinding paghihigpit ng pamahalaan sa kanilang mga nasasakupan
Pagkawala ng suporta para sa pamahalaang Romano
Pagkakahati-hati ng Roma sa Kanluran at Silangang bahagi
Dahilang panlipunan:
Pagbaba ng populasyon sanhi ng mga kumakalat na sakit at mga digmaan
yea