gumawa ng tula patungkol sa pagibig, 4 na saknong na tig aapat na taludtod

Bawal po Ang kasagutan na hindi angkop sa aking katanungan, maaring sagutin nyo nalang ng maayos Ang aking katanungan kung ayaw mong report ang iyong kahantungan.


Sagot :

Answer:

PAGIBIG

Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha!

Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata.

Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata,

tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.

Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso;

pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro.

Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo… naglalaho,

Layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo.

Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan,

Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.

Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan,

At ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.

Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos,

Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos.

Ang pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod

Pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog.

#Hope it helps
pls brainliest me

thank you ^w^