6. Katulad ng mga Mycenaean, ang mga tao sa kasalukuyang panahon ay nagpapagawa rin ng makakapal na pader sa paligid ng kanilang tirahan. Bakit sa palagay ninyo ginagawa nila ito?

A. Upang magsilbing pananggalang sa mga maaaring lumusob dito.
B. Upang hindi makalabas ang mga mamamayan.
C. Upang hindi pumasok ang baha.
D. Upang mapaganda ang kapaligiran ng bahay.

7. Natagpuan ni Sir Arthur Evans sa Knossos ang gumuhong labi ng isang palasyong yari sa makinis na bato, maraming palapag at tinutukuran ng mga haliging kahoy. Ano ang ipinapahiwatig nito ukol sa mga Minoan?

A. Nagpapahiwatig ito na may mataas na kaalaman ang mga Minoan sa paggawa ng mga gawaing inhenyeriya. B. Nagpapahiwatig ito na mahilig sa magagandang bagay ang mga Minoan. C. Nagpapahiwatig ito na ang kanilang mga tirahan ay mga mala-palasyo.
D. Nagpapahiwatig ito ng karangyaan at kayamanan ng Kabihasnang Minoan.

8. Ang mga Spartan ay kilalang walang kinatatakutan at may malalakas na pangangatawan. Paano nila sinasanay ang kanilang mga sarili upang maging magaling na mga mandirigma?

A. Pinangungunahan nila ang mga palakasan o mga palaro tulad ng pagbubuno, boksing, at karera.
B. Hindi nila alintana ang anumang sakit at hirap upang magkaroon ng malakas na pangangatawan, kasanayan sa pakikipaglaban at katapatan sa tungkulin.
C. Kumakain sila ng mga masusustansiyang pagkain at araw-araw na nagsasanay.
D. Ipinatatapon nila sa paanan ng kabundukan ang mga mahihinang kalalakihan at hinahayaang mamatay doon.​