Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod na mga hakbang.
Pagsunod-sunurin ang tamang paraan sa paghuhugas ng pinggan. Isulat
ang bilang 1 hanggang 4 sa patlang. (5 puntos)

_____ 1. Banlawan ang baso, kutsara't tindor at plato. Tandaan na dapat laging una ang baso.
Banlawan ang mga ito hanggat sa wala ng bula ang makikita. Banlawan ito ng dalawang
beses para walang sabon na matira.

_____2. Tanggalin ang mga tira-tirang pagkain at pag may mga matigas na kanin na naiwan sa plato
ibabad muna ito sa tubig para lumambot at mas madaling matanggal. Banlawan ng tubig ang
baso, kutsara't tinidor at plato pagkatapos nito ihanda ang pampunas at dishwashing liquid.
Sa paghuhugas ng pinagkainan dapat unahin hugasan ang baso, pagkatapos kutsara at tinidor
at plato.
_____3. Pagkatapos banlawan ilagay ito sa dish rack o sa tamang lagayan nito
_____4. Sabonan ang baso, kutsara't tinidor at plato ng maayos.