A. Pumili ng isa sa sumusunod na mga paraan upang ipahayag ang iyong pag-unawa sa kahalagahan ng kasipagan at wastong disiplina sa paggawa na nalinang sa aralin: (Ilagay ang sagot sa kahon sa ibaba o karagdagang papel kung kinakallangan.)

1. Isipin na natapos na ang inaasam mong pag-aaral. Naghahanda ka nang magtrabaho. Sumulat ng isang sanaysay na nagpapahayag ng iyong mga ideya prinsipyo o mga inaasahang kabutihan mula sa Inaasar na gawain lugnay ang iyong mga kaisipan sa sumusunod: a pagpapabuti ng sariling pagkatao b. paglilingkod para sa pamilya
c. paglilingkod sa kapwa
d. paglilingkod sa pamayanan

2. Isipin na naanyayahan ka ng inyong barangay na magsalita sa mga kapwa mo kabataan sa inyong pamayanan tungkol sa paksang "Kasipagan at Disiplina sa Produktibong Paggawa". Sumulat ng isang speech na gagabay sa kanila sa pagsasabuhay ng mga etika sa paggawa (work ethics) sa pagganap sa kanilang mga kasalukuyang gawain na may wasto at angkop na pagpapahalaga

3. Bigyang-interpretasyon ang konseptong, "Nais kong makitang maunlad ang aming barangay Sa pamamagitan ng aking pagsisikap at paggawa, nakikita ko ang pagbabagong aking inaasam." Ituon ang interpretasyon sa kahalagahan ng wastong paggawa at mabubuting pagpapahalaga sa pagpapabuti ng sarili, ng kapwa, at ng pamayanan

4. Gumuhit ng dalawang larawan na nagpapahayag ng kahalagahan ng paggawa ng tungkulin ng tao. Sa unang larawan, ipakita ang mga masasamang bunga ng mga hindi pagpapahalaga sa pagganap ng paggawa. Sa ikalawang larawan, ipakita ang katumbas na positibong bunga ng etika sa paggawa.​