Answer:
Maghanap ng lugar na maaaring gawan ng hukay. Ito ay dapat patag, at malayo mula sa mga kabahayan upang ito ay hindi mapakialaman ng ibang tao.
Gumawa ng hukay na siyang patag, at malawak ang sukat - 2 metro sa lapad, 5 metro sa haba, at 1 metro para sa lalim
Ilagay ang mga nabubulok na basura at iba pang mga bagay na siyang nabubulok tulad ng tuyong dahon at mga pinagbalatan ng gulay o prutas, at mga dumi ng hayop
Tabunan ito ng abo, apog, lupa at iba pa.
Gawin ito hanggang sa mapuno ang hukay. Pagkatapos, diligan ito ng tubig upang manatiling mamasa-masa.
Lagyan ng mga kawayan ang compost pit upang makatulong sa mabilis na pagkabulok ng mga basura.
Tanggalin ang mga kawayan at haluin ang hukay. Gamitin ito pagkatapos ng 2 buwan o hanggang matuyo ang lahat ng nakalagay sa loob.
Explanation: