Suriin ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA sa patlang kung nagsasaad ito ng katotohanan at MALI naman kung hindi. 16. Ang kinikita sa kalakalan ay naipantutustos sa pangangailangan ng pamahalaan at simbahan. 17. Nakilala ang mga Pilipino sa paggawa ng matitibay na barko. 18. Lahat ng Pilipino ay umunlad ang kabuhayan sa ilalim ng pamumuno ng mga Espanyol sa Pilipinas. 19. Nalugi ang mga magsasaka dahil sa murang halaga lamang nabibili ng pamahalaan ang naaani nilang tabako. 20. Naging mapayapa at masagana ang sapilitang paggawa sa panahon ng mga Espanyol sa Pilipinas.