Sagot :
Answer:
Marami sa atin ay naninibago sa ganitong klase ng pangyayari ngunit wala tayong magawa kundi sanayin ang atin sarili,dahil nga sa pandemya.Ang mga mag aaral ngayon ay kasalukuyang nag aaral sa kanilang tahanan at dahil dito maraming mag aaral ang nahihirapan sa ganiting setup.
Bago pa man nagkaroon ng COVID-19 pandemic, ramdam na natin ang learning crisis sa ating bansa at bilang mga guro, alam natin na habang tumatagal ang panahon na hindi nakakabalik ang ating mga estudyante sa formal schooling, mas maraming negatibong epekto ang maaaring idulot nito sa kanilang mga sarili.
Nakita na natin ang mga nangyari sa Sierra Leone sa panahon ng Ebola outbreak kung saan inihinto ang mga pag-aaral sa loob ng isang academic year. Sa muling pagbubukas ng kanilang mga paaralan, mas dumami ang hindi na nagpatuloy ng pag-aaral bunga ng child labor, teenage pregnancy, child abuse and neglect, health and family economic problems. Ayon din sa mga pandaigdigang pag-aaral, kahit sa normal na dalawang buwang bakasyon, 20-50 % ng mga natutunang skills ay maaaring mawala o nakalimutan na ng mag-aaral. Mas magiging mahirap din ang pag monitor sa nutrisyon, at pisikal, mental at emosyonal na kalusugan ng mga bata kung tuluyang magsasara ang mga paaralan sa loob ng isang taon.
Dapat din nating bigyan ng konsiderasyon na hindi lahat ng ating estudyante ay magiging masaya sakaling tuluyang ihinto ang muling pagbubukas ng mga paaralan ngayong taon. At dahil mas abala tayo sa pagiging kritiko sa mga ginagawang desisyon ng ating gobyerno, maaaring nakakaligtaan na nating bigyan ng atensyon ang pagdinig sa boses ng ating mga nasasakupan – ang mga musmos na tahimik na nagmamatyag sa ating mga ikinikilos. Naiiwan silang nakabitin sa pag-aalinlangan at takot sa lumalaganap na sakit at kung paano na mabibigyan ng prayoridad ang kanilang karapatan sa pag-aaral