Paliwanag:
Magkakaiba ang layunin ng mga tao sapagkat ang tao ay may kaniya-kaniyang katangian o pag uugali, minsan magkakaiba naman sa mga pinag dadaanan sa buhay o karanasan sa buhay, magkakaiba ang mga pangarap sa buhay. Kung minsan ito ay nahahati sa dalawa, ito ay sa mabuti o ito ay sa masamang hangarin, ang iba naman ay may ipinaglalaban. Nagkakaiba ang mga layunin ng tao depende sa minimithi nito, mga hangarin sa buhay o sa mga gustong mangyari sa hinaharap.
Halimbawa:
Ang mga Pulis, layunin nilang mapanatili ang kapayapaan at protektahan ang mga mamamayan sa masasang loob at ipatupad ang batas.
Mga masasamang loob, ang layunin nila ay makalamang, makuha ang naisin o gusto nila, may gusto silang gawin na ayon sa kaparaanan nila at hindi sumusunod sa batas kaya nauuwi ito sa karahasan at kagulohan.
Nagiging iisa ang layunin ng mga tao kung may iisa silang hangarin o gustong mangyari.
brainly.ph/question/1894785
#LETSSTUDY