Answer:
Ang wika ay iisa sa mahalagang bagay na pinanghahawakan ng isang bansa. Dahil Kung wala ito, mahirap ang pakikipag-ugnayan ng bawat isa at Hindi mailalahad Ang impormasyon na kanilang nais ilahad. Magkakaroon ng di pagkakaintindihan at maaari itong mag sanhi ng gulo.
Sa pamamagitan ng wika nagkakaroon ng pagkakakilalan ang bansa, Kung saan sila ay nagkakaroon ng pagkakaisa. Sila ay kanilang sa grupo ng kanilang sinilangan at nararapat silang kilalanin bilang ganito.
Sa madaling salita, ang wika ang nagiging tulay sa pagkakaroon ng matatag at mapayapang lipunan, upang mailahad ang nais na impormasyon na dapat maunawaan ng bawat indibidwal.