Answer:
Ang ibig sabihin ng komunikasyong interpersonal ay kakayahang makipagkapwa tao.
Ang komunikasyong interpersonal ang tumutukoy sa mga paguusap sa pagitan ng dalawang tao o higit pa. Ito ay maaaring berbal na komunikasyong interpersonal kung saan tumutukoy sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga salita, o di kaya naman ay di-berbal na komunikasyong interpersonal kung saan tumutukoy sa pamamagitan ng mga aksyon. Isang halimbawa ng berbal na komunikasyong interpersonal ay ang pagsasagawa ng panayam. Ang pakikipanayam ay ang paglanap ng impormasyon sa pamamagitan ng paglatag at pagharap ng mga katanungan sa isang tao. Ang magandang halimbawa naman ng di-berbal na komunikasyong interpersonal ay ang paggamit ng mga tinatawag na sign language. Ang sign language ay tumutukoy sa isang uri ng pakikipag-usap kung saan ang mga parte ng katawan lamang ang ginagamit upang maipabatid ang mensahe.
Ano ang interpersonal na talento?
brainly.ph/question/2262569
#LETSSTUDY