1. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng mapanagutang lider? A. may malawak na karanasan B. may sapat na tiwala sa sarili C, may kakayahang tumingin sa sariling kapakanan D. may kakayahang makakita, makakilala at makalutas ng suliranin
2. Alin sa sumusunod na katangian ang naglalarawan sa isang lider batay kay Lewis? A. isang mabuting halimbawa B. may sapat na kaalaman at kasanayan C. marunong tumanggap at gumanap ng mga gampanin o tungkulin D. naglilingkod, nakikinig, nagtitiwala sa kakayanan ng iba, at nakikipag-ugnayan nang maayos sa kapwa
3. Paano mailalarawan ang mapanagutang pamumuno ng lider? A. Karangalan ng pinamumunuan ang pagkamit sa layunin ng pangkat. B. Ang pagkakaroon ng posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang pinamumunuan. C. Ang awtoridad na magtataguyod at magpapatupad sa mga gawain upang makamit ang layunin ng pangkat. D. Ang Impluwensiya na magpakikilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng kanya-kanyang layunin.
4. Pinapairal ang tamang konsensiya na gagabay sa pagtupad ng mga gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa namumuno, anong kakayahan ang taglay ng isang tagasunod, ayon sa pahayag? A. Pakikipagkapwa B. Mga pagpapahalaga C. Kakayahan sa trabaho D. Kakayahang mag-organisa