Ano Ang Kulturang Popular?
Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang angating media para malaman kung anong uso, anong sikat at anoang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ngteknolohiya at napakadali na para sa mga tao na makiuso atmagpauso sa pamamagitan ng lahat ng uri ng media --lahat ngnabanggit kanina at idinagdag pa ang internet. Bakit banapakaimportante sa mga tao makasabay sa uso? Ano nga batalaga ang kulturang popular? Ating alamin kung ano ba talagaang ibig sabihin ng uso o mas pormal na kilala bilang kulturangpopular. Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mgatao para maramdaman ang pagtanggap sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mgatao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular aykadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mgakumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular angkadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda atkung ano ang katanggap-tanggap. Ang kulturang popular aymaaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ayang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda ngmakakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ngmga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili.