Answer:
1. Tauhan
Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa.
2. Tagpuan
Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari.
3. Saglit na kasiglahan
Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
4. Tunggalian
Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
5. Kasukdulan
Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan
Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
7. Katapusan
Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.