B. Isulat sa patlang ang letrang T kung ang ipinapahiwatig ng pangungusap ay tama at letrang M naman kung ang ipinapahiwatig nito ay mali. 6. Ano man angtribu o relihiyon natin, mayroon tayong sinusunod na tradisyon na dapat panatilihin at di dapat kalimutan o hayaang maglaho na lang. 7. Ang mga Bisaya ay isa sa mga katutubong Pilipino nananinirahan sa rehiyon ng Kabisayaan at ilang bahagi ng Mindanao. 8. Ang pag bigay ng hatol o pagmamatuwid ay isang paraan ng paglalahad ng sariling ideya, palagay o opinion tungkol sa isang paksa bilang pagpapaliwanag na maaaring pasulat o pasalita. 9. Balbal ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa kalye o lansangan kaya't madalas na tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye. 10. Lalawiganin ay mga salitang karaniwang ginagamit sa lalawigan o probinsya o kaya'y particular na pook kung saan nagmula o kilala ang wika.
