Ang melodiya kaya himig, tinig, boses, guhit, o linya, ay isang paguhit na palitan o halinhinan ng mga tonong pangtugtugin o pangmusika na nahuhulo o namamalayan bilang isang iisang kabuuan. Sa pinaka literal na diwa nito, ang melodiya ay isang kumbinasyon o pagsasama-sama ng kasidhian o katindihan at ritmo ng musika, habang, sa mas piguratibong diwa, ang katawagan ay paminsan-minsang pinalalawak o pinalalawig na kinasasamahan ng mga halinhinan ng mga elementong pangmusikang katulad ng kulay ng tono.
Kadalasang binubuo ang mga melodiya ng isa o marami pang mga pariralang pangmusika o mga motip (maigsing mahalagang parirala sa isang awitin[2]), at karaniwang inuulit sa kahabaan ng awit (tagulaylay o talindaw) o piyesa sa sari-saring mga anyo. Ang mga melodiya ay maaari ring mailalarawan sa pamamagitan ng kanilang mosyong melodiko o mga katindihan o ng mga interbal (mga agwat o puwang sa pagitan) sa pagitan ng mga katindihan (na pinangingibabawan ng mga hakbang at mga paglaktaw) o may karagdagan pang restriksiyon o paghihigpit, saklaw o sakop ng katindihan, tensiyon, kawalanghumapayan (pagtutuluy-tuloy) at kohesyon o pagkakaisa, kadensiya (imbay o aliw-iw), at hugis.