banaue rice terraces saan matatagpuan at ilarawan



Sagot :

Banaue Rice Terraces, saan matatagpuan at ilarawan:

Ang Banaue Rice Terraces o Hagdan-Hagdang palayan ay matatagpuan sa Banaue, Ifugao.  

Ang bayan ng Banaue ay nasa:

  • hilaga ng Hungduan
  • silangan ng Sabangan
  • kanluran ng Mayoyao
  • timog ng Bontoc at Barlig

Paglalarawan sa Banaue Rice Terraces:

Ang Hagdan-hagdang palayan ay inililok sa bulubundukin na may taas na mahigit-kumulang sa 1,500 metro at may lawak na 10,000 kilometro kuwadrado.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa Banaue Rice Terraces saan matatagpuan at ilarawan, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/411283

Kahalagahan ng Banaue Rice Terraces :

  1. Maraming naidulot na mabuti ang Hagdan-hagdang palayan ng Banaue o Banaue Rice Terraces kaya naman ito ay mahalaga sa mga Pilipino at bansang Pilipinas.
  2. Ito ay madalas dinadayo ng mga turista galing sa iba't-ibang bansa dahil ito ay tinaguriang Ikawalong Wonder ng Mundo.
  3. Ito rin ay tinaguriang Pambansang Kultural na Kayamanan kaya bumibisita rin dito ang mga lokal na turista.
  4. Ito ay isang matipid na paraan ng pagsasaka dahil matipid ito sa lupa at pinapabagal nito ang agarang pagdaloy ng tubig sa paanan ng bundok.
  5. Ang malahagdang hugis nito ay mainam na kondisyon para sa mga pananim tulad ng palay.
  6. Ang malahagdang hugis nito ay napipigilan ang pagguho ng bulubundukin.
  7. Ang mga puno sa tuktok ng kagubatan ng bulubundukin ay sumasalo ng ulan upang ang tutulong tubig na dadaan sa sinaunang irigasyon na ginawa ng mga katutubo ay magiging mineralisado.
  8. Ito ay simbolo sa pagkatao ng mga Pilipino bilang masisipag, malikhain, matiyaga, at matatag.  

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahalagahan ng Banaue Rice Terraces, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/15697

Rehiyon ng Banaue Rice Terraces

Ang Banaue Rice Terraces ay nasa Rehiyong Administratibo ng Kordilyera o CAR (Cordillera Administrative Region).

Mga lalawigan sa CAR:

  • Abra
  • Benguet
  • Kalinga
  • Apayao
  • Ifugao
  • Mountain Province

Ang Banaue Rice Terraces ay makikita sa Ifugao.

Ang Banaue Rice Terraces ay dati rin kilala sa tawag na Hagdan-hagdang Palayan Patungong Kalangitan.  

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa rehiyon ng Banaue Rice Terraces, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/620956