saan matatagpuan ang mt. everest ilarawan ito



Sagot :

Answer:

Ang Mt. Everest ay matataguan sa pagitan ng bansang Nepal at ng Tibet Autonomous Region of China. Ang eksaktong lokasyon nito at latitud 27°59′ N at longhitud 86°56′ E, na may taas na 29,035 feet o 8,850 metro. Ito rin ay matatagpuan sa gitna ng bulubundukin ng Himalayas. Ang Mt. Everest ang pinakamataas na bundok sa buong mundo.

Explanation:

Taas ng Mt. Everest

Hindi malaman kung ano ang eksaktong sukat ng elevation ng summit dahil sa mga pagkakaiba-iba sa antas ng niyebe, paglihis ng gravity, at repraksyon ng liwanag. Ang tantya na 29,028 talampakan o 8,848 metro, ay itinatag sa pamamagitan ng survey ng India sa pagitan ng 1952 at 1954. Ang sukat na ito ay ginamit ng karamihan sa mga mananaliksik, mga ahensya ng paggawa ng mapa, at mga mamamahayag.

Mag-basa pa tungkol sa paggalaw ng lupa: https://brainly.ph/question/141004

Heolohiya ng Mt. Everest

Umusbong ang bulubundukin ng Himalayas mula sa paggalaw ng lupa, 40 – 50 milyon taon na ang nakakalipas samantalang nagsimulang tumaas ang Himalayas may 25-30 milyon taon na nakalipas. Ayon sa pag-aaral, patuloy na gumagalaw patunong hilagang silangan at tumataas ang Mt. Everest sa sukat na 0.125 pulgada bawat taon.

Ang summit ng Mt. Everest ay binubuo ng niyebe na kasing tigas ng bato na napapaligiran ng mas malalambot na niyebe, at ang lalim ay naglalaro sa pagitan 5-20 metro; ang antas ng niyebe ay pinakamataas sa tuwing buwan ng Setyembre, pagkatapos ng tag-ulan, at pinakamababa sa buwan ng Mayo, dahil natutunaw ng hangin mula sa taglamig sa hilaga. Ang tuktok at itaas na mga slope ay napakataas, at dahil dito ay manipis o kakaunti ang oxygen na maaaring bumuhay sa tao. Ang kakulangan ng oxygen, malakas na hangin, at sobrang malamig na temperatura ay pumipigil sa pagpapaunlad ng anumang buhay ng halaman o hayop doon.

Para sa paglalarawan ng Mt. Everest: https://brainly.ph/question/126288

Alamin ang kahalagahan ng Mt. Everest: https://brainly.ph/question/645909