Sagot :
Ano ang maitutulong ng mga sektor na pamahalan sa lipunan na nabangit sa pagkamit ng layunin ng lipunan
• Makakatulong ang mga sektor sa pamamagitan ng pagsupply ng mga produkto ayun sa pangangailangan at kagustuhan ng mga mamamayan sa lipunan.
• Dahil sa iba’t-ibang sektor sa lipunan ay nagkakaroon ng pambansang kaunlaran.
ANO-ANO BA ANG PAMBANSANG KAUNLARAN ANG NAITUTULONG NG IBA’T-IBANG SEKTOR SA LIPUNAN SA PAMAMAGITAN NG KANILANG PAMAMAHALA?
Mga Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
1. Mayroong pag-unlad
• Makikita sa pamumuhay ng mga tao na mayroong mataas na antas ng pamumuhay.
• May pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.
• Bukod sa Gross National Product (GNP) at Gross Domestic Product (GDP), mayroon pang iba't ibang palatandaan o sukatan upang masabing maunlad ang isang bansa. Ilan sa mga ito ang sumusunod:
2. Kalusugan
• Mas mahaba ang buhay ng mga mamamayan
• Marami ang sanggol ang nabubuhay kesa namamatay
• Wastong pagkain- ito ay mula sa sektor ng pagsasaka
• Watong mangagamot – Maaring ito ay mula sa sektor ng sektor ng paglilingkod
3. Mayroong kalidad na edukasyon
• Ang bilang ng mga mamamayang nakakapagtapos sa pag-aaral at mga mamamayan na marunong bumasa at sumulat ay isa ring sukatan ng kaunlaran ng bansa.
4. Kakayahan ng Manggagawa
• Tinatayang higit ang kaalaman ng manggagawa sa mayaman na bansa kumpara sa mahirap na bansa, lalo na sa larangan ng teknolohiya.
5. Kalinisang Pambayan
Tinatayang mas nabibigyang-pansin ng mayayamang bansa ang kalinisan ng kapaligiran kumpara sa mahihirap na bansa.
6. Suplay ng Malinis na Tubig
• Mayroong Sistema na pinagkukunan ng tubig.
7. Marami ang may trabaho
• Walang naghihirap sapagkat ang mga sektor ay nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan.
8. Bilis ng Pagdami ng populasyon
• Nakakatulong ang mga sektor sa pagsugpo ng paglobo ng bilang ng mga tao.
Para sa iba pang kaalaman buksan lamang ang links sa ibaba:
#LEARNWITHBRAINLY