Ano-ano ang mga uri ng klima sa Asya?
(Ibigay ang bawat katangian nito)


Sagot :

Ang Asya ay isang malaking kontinente. Ito ang dahilan kung bakit ang klima dito ay paiba iba dedenda sa lugar.  Narito ang mg a klima ng bawat rehiyon sa Asya:

 Kanlurang Asya

Ang klima sa Kanlurang Asya ay mainit at tuyo. Dahil na rin sa taas ng temperatura, ang lupa roon ay hirap na makagpagpanatili ng tubig na makakabubuhay sa anumang uri ng halaman o puno. Isa rin ito sa mga dahilan kung kaya’t sikat ang parteng ito ng Asya sa kanilang mga disyerto. Kung uulan man, ito ay nararanasan lamang ng mga lugar na mapit sa dagat.

 

Hilgang Asya

Dito sa rehiyong ito ng asya ay mahaba ang nararanasang taglamig na umaabot ng anim na buwan. Bagaman matagal ang taglamig, nakararansan rin sila ng tag-init ngunit sa maikling panahon lamang.

 

Timog Asya

Ang klima sa rehiyong ito ng Asya ay paibaiba. Tuwing buwan ng Hunyo hanggang Setyembre, dito ay mahalumigmig. Tuwing Disyembre hanggang Pebrero, ditto naman ay taglamig. Samantalang sa buwan ng Marso hanggang Mayo, ditto ay tag-init.


Timog Silangan

Ang mga bansa sa rehiyong ito ay nakararanasan ng tropical na klima. Tulad sa Pilipinas, nakararanas ng tag-init at tag-ulan sa isang taon ang mga bansang parte ng Timog Silangan.

 

Silangang Asya

Ang klima dito ay tinatawag na Monsoon Climate. Paiba iba ng nararanasang panahon dito sa rehiyong ito dahil na rin sa lawak ng sakop nito. Mainit sa ibang bahagi at nagyeyelo sa ilang bahagi.