Sagot :
Answer:
Mga halimbawa ng Ponemang Suprasegmenta ng Diin.
PAso - paSO
tuBO - TUbo
BUhay - buHAY
HApon - haPON
taSA - TAsa
PAso: Napakasakit ng PAso ko sa daliri dahil sa aksidenteng pagdikit ko sa apoy ng kandila.
paSO: Si Minda ay bumili ng mamahaling paSO para sa kanyang alagang halaman.
BUhay: Ang kaniyang mga anak ay nagsikap mabuti sa pag-aaral kaya sila ngayon ay may magandang BUhay.
buHAY: Kahit wala na siya ay nananatili siyang buHAY sa puso ko.
HApon - Tuwing HApon ay nagdidilig ako ng halaman sa tapat ng aming bahay.
haPON: Isa sa mga bansang sumakop sa atin ay ang bansang haPON.
taSA: Walang taSA ang kaniyang lapis kaya hindi siya nakapagsulat.
TAsa: Nabasag niya ang paboritong TAsa ng kanyang nanay.
Ponemang Suprasegmental
Ang wikang Filipino, gaya ng ibang wika, ay may sariling gramatika, kabilang na rito ang ponema. Isa sa uri nito ay ang ponemang suprasegmental. Ang tatlong uri nito ay tono, diin at antala. Mahalagang mapag-alaman ang mga uri ng ponemang suprasegmental sapagkat may mga pagkakataon na ang dalawang salitang magkapareho ng baybay ay nagkakaiba ng kahulugan kapag binigkas ito ayon sa tono, diin at/o antala.
Mga uri ng Ponemang Suprasegmental
Tono
Diin
Antala
Tono - pagtaas at pag baba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita. Ang pagbigkas ng salita ay may tono o intonasyon – may bahaging mababa, katamtaman at mataas. Ang pagbabago ng tono o intonasyon ay maaring makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin o makapagbigay ng bagong kahulugan.
Halimbawa:
Nagpapahayag: Maligaya siya.
Nagtatanong: Maligaya siya?
Nagbubunyi: Maligaya siya!
Diin - tumutukoy sa haba ng bigas sa patinig ng pantig sa isang salita. Ito ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay. Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
Halimbawa:
BUhay - pagkalalang sa tao, hayop o halaman (life)
buHAY - hindi patay (alive)
LA:mang - natatangi
la:MANG - nakahihigit; nangunguna
Ginagamit ang simbolong /:/ upang matukoy ang pantig ng salita na may diin. Sa Filipino, karaniwang binibigkas nang may diin ang salitang higit sa isang pantig. Malimit ding kasama ng diin ang pagpapahaba ng patinig. Tulad nito:
/ba:hay/ - tirahan /pagpapaha:ba?/ - lengthening
/kaibi:gan/ - friend /sim:boloh/ - sagisag
Antala - saglit na pagtigil sa pagsasalita upang mas maunawaan ang mensaheng nais ipahatid. May hinto bago magsimula ang isang pangungusap at may hinto rin pagkatapos nito. May hinto rin sa loob ng pangungusap kung may kailangang ihiwalay na mga ideya upang higit na maunawaan ang nais nitong ipahayag
Kuwit (,) ang ginamit sa hintong ito na sinisimbolo ng /.
Halimbawa:
Hindi siya si Jose.
Hindi, siya si Jose.
Hindi siya, si Jose.
Hindi, ako ang kumuha ng pera ni Tatay. (Ako ang kumuha ng pera)
Hindi ako ang kumuha ng pera ni Tatay. (Hindi siya ang kumuha ng pera)
Sa ibang libro ay may ika-apat na uri at ito ay ang:
Haba (length) - ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig (a, e, i, o, u ) ng isang pantig. Maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.
Halimbawa:
bu.kas - nangangahulugang susunod na araw
bukas - hindi sarado
Para sa mga karagdagang impormasyon ukol sa ponemang suprasegmental, i-click lamang ang mga links sa ibaba: