Tuklasin
Gawain: Tula-Suri
Panuto: Basahin at unawain ang tula. Pagkatapos ay sagutan ang mga tanong sa
sagutang papel.
Panahong Medieval
ni: Maria Vanessa J. Resullar
Barbarong Goth ay lumusob Imperyong Roman ay pinataob
Mga bayan ay sinalakay Maraming buhay ang nawalan ng saysay Mga Europeong takot Simbahan ang naging sagot Institusyong pag-asa ang alay
Sa mga taong lublob sa buhay.
Banal na Imperyong Roman
Bumuhay sa imperyo sa kanluran
Unang nanungkulan mula sa dinastiyang Carolingian Charlemagne ang kanyang ngalan
Na kinoronahan ng Papa ng Simbahan
Ngunit sa kanyang kamatayan
Humalili sa trono’y di nakayanan pananalakay ng kalaban Dulot ay paghina ng Banal na Imperyong Roman.
Mga mamamayan ay nabagabag Sistemang Piyudalismo’t Manoyalismo ay naitatag Mga kabalyero’y nakipaglaban sa mga kaaway Upang maging ligtas at maayos ang buhay. Sila din ay nakidigma sa mga Muslim upang bawiin ang Banal na Lupain.
Pamprosesong mga Tanong:
Panuto: Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Anongangipinapahiwatigngtula?
2. Ano-anong mahahalagang pangyayari ang nabanggit sa tula?


Sagot :

Answer:

1.Ipinapahiwatig ng tula ay tungkol sa mga naganap na mga pangyayri sa Europe noong Gitnang panahon.

2.Ang mga impormasyong makukuha sa tula ay tungkol sa pagbagsak ng Imperyong Roman sa kamay ng mga barbaro, ang naging gampanin ng simbahan, tungkol sa unang pinuno ng Banal na imperyong Roman na si R Charlemagne, pagkakatatag ng piyudaliamo at manoryalismo.

3.Katulad ng pananal akay ng mga barbarong Goth sa Imperyong Roman, ang Pilipinas lalo na sa Marawi City ay nakaranas ng pananalakay ng mga hinihinalang terorista na may kaugnayan sa Islamic State of Iraq and Syria ISIL) Ngunit hindi tulad ng mga Goth na naging matagumpay ang pananakop, ang mga hinihinalang ISIS ay buong pwersang hinarap ng hukbong militar ng Pilipinas hanggang sa ito ay natalo.