Sagot :
Answer:
Explanation:
Ang Oso at ang Dalawang Magkaibigan
Tagpuan: Kagubatan
Mga Tauhan:
John
Ron
Oso
Buod:
Mayroong dalawang matalik na magkaibigan sina Ron at John sila ay mahilig maglakbay na magkasama. Isang araw napagpasiyahan nila pumunta sa kagubatan. Alam nila na mapanganib ang lugar na iyo at nangako sa isa't isa na hindi sila maghihiwalay kahit anong mangyari. Ilang minuto lamang ay may nagpakita sa kanila na isang oso, dahil sa takot ng dalawa dali dali silang nagtatakbo. Nakikita ng puno si Ron at dali dali itong umakyat , naiwan si John sa baba. Sinabi ni John ,tulungan mo ko makaakyat diyan Ron ngunit ang sambit ni Ron hindi na ako makakababa dahil andyan na ang oso at hindi tayo kaysa dito. Buti na lamang ay natandaan ni John na itinuro ng kanilang guro na hindi ginagalaw ng oso ang patay na tao o hayop. Kaya naisipan niyan humiga at nagkunyaring patay. Lumipat ang oso at tama nga ang kanyang guro hindi siya ginalaw. Dali dali bumaba si Ron mula sa puno, at tinanong ano binulong ng oso sa iyo. Sambit ni John na huwag daw ako maniniwala sa pekeng kaibigan na nagsasabi wala iwanan sa kahit anong mangyari.
Aral: Sa pagkakaibigan dapat tayo ay maging tapat at may isang salita, dahil kapag hindi mo ito ginawa mawawalan ka ng isang tunay na kaibigan.
Para sa karagdagang impormasyon
brainly.ph/question/442195
brainly.ph/question/1085636
Explanation: