Ano ang halaga sa kasalukuyang lipunan ng pagpapahalagang pagmamahal sa bayan​

Sagot :

Answer:

Ang halaga sa kasalukuyang lipunan ng pagpapahalagang pagmamahal sa bayan​ ay sumasaklaw sa maraming mga bagay. Narito ang ilan sa mga ito:

1. Patriyotismo - o ang pagpili sa ating bayan o bansa. Bilang mga Pinoy, dapat maipakita o makita natin sa ating lipunang ginagalawan na prayoridad natin na tangkilikin ang mga lokal na produkto natin. Maging sa pagtatrabaho, mas masarap magsilbi sa kapwa Pinoy kumpara sa mga dayuhan.

2. Pagtatanggol sa teritoryo - bahagi ng ating pagmamahal ay ang pagtatanggol sa sinumang nagbabalak na agawan tayo ng teritoryo na sakop pa ng Pilipinas. Hindi natin ito dapat hayaan at maging ang ating pamahalaan ay dapat na gumawa ng paraan upang hindi ito mangyari.

3.Ekonomiya at turismo- Bilang mga Pinoy na mahilig magpunta sa ibat ibang mga lugar, mabibigyang pagpapahalaga natin ang pagmamahal sa ating bayan ang pagiging turista sa sariling bansa. Hindi masama na tayo ang unang makaranas ng mga magagandang tanawin at masasarap ng pagkain sa ibat ibang lugar na ating pupuntahan. Hindi lang tayo nasiyahan kundi nakatulong din tayo sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Explanation:

#BrainlyFast