Ang Ilog Hinilawod na kilala na ngayon sa tawag na Ilog Jalaur o Jalaud ay naging mahalagang bahagi ng buhay ng mga mamamayan sa isla ng Panay mula sa panahong isinulat ang epiko hanggang sa kasalukuyan. Subalit ang mga ilog at iba pang anyong tubig sa ating bansa ay unti-unting nasisira dahil sa mga epektong dala ng makabagong pamumuhay. Isalaysay ang mga posibleng suliraning kinakaharap ng mga ilog at iba pang anyong tubig, gayundin ang mga posibleng solusyon upang maagapan ang tuluyang pagkasira ng mga ito. Gumamit ng mga wastong pang-ugnay at iba pang salitang karaniwang ginagamit sa pagsasalaysay ng suliranin at solusyon. Magsalaysay ng mga suliraning kinakaharap ng ating mga ilog at iba pang anyong tubig Maglahad ng mga solusyon para sa mga suliraning isinalaysay mo.