pa ans Po ng maayos pls need Po​

Pa Ans Po Ng Maayos Pls Need Po class=

Sagot :

Answer:

1.ano ang pang-uri-Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na nagbibigay deskripsyon o turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa. Kadalasan, ginagamit ito upang mas bigyang linaw ang isang pangngalan.                                                                                                                                  2.ano-ano ang kayarian ng pang-uri- payak,maylapi.inuulit,tambalan                           3.kailan masasabi na ang pang-uri ay nasa kayariang paya-Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng  Nasa anyong payak ang lahat ng pangngalan  Maylapi - pangngalang binubuo ng salitang-ugat na may panlapi sa unahan, gitna, hulihan o magkabila.                        4.kailan masasabi na ang pang-uri ay kayariang may lapi-binubuo ng salitang ugat at may panlapi                                                                                                                    

Explanation:

Hope it helps√

Answer:

(1.) Ano ang pang-uri? Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na nagbibigay deskripsyon o turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa. Kadalasan, ginagamit ito upang mas bigyang linaw ang isang pangngalan.

(2.) 1. Payak -> mga pang-uring binubuo lamang ng salitang-ugat.

     2. Maylapi -> binubuo ng salitang-ugat at panlapi.

     3. Inuulit -> ang kayarian na ito ay matutukoy dahil inuulit nito ang buo o bahagi ng salita.

     4. Tambalan -> mga salitang binubuo ng dalawang magkaibang salita o dalawang salitang pinagtambal.

Apat na uri ng Panlapi (Maylapi)

2.1  Unlapi - ang panlapi ay matatagpuan sa unang bahagi ng salita.

2.2 Gitlapi - ang panlapi ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng salita.

2.3 Hulapi - ang panlapi ay matatagpuan sa huling bahagi ng salita.

2.4 Kabilaan - ang panlapi ang matatagpuan sa una at huling bahagi ng salita.

(Informational lang po yung 4 na uri ng panlapi, hindi po yan ang sagot sa #2)

(3.) Masasabi na ang pang-uri ay nasa payak na kayarian kung ito ay binubuo ng salitang ugat lamang. Ang mga halimbawa nito ay: bilog, pandak, hinog, atbp.

(4.) Masasabi na ang pang-uri ay nasa kayariang maylapi kung ito ay  nagtataglay ng mga salitang-ugat na may panlaping ma-, ka-, kasing-, sim-, at marami pang iba. Halimbawa ng mga ito ay matapang, simbilis, at malakas.

(5.) Inuulit – ang kayarian na ito ay matutukoy dahil inuulit nito ang buo o bahagi ng salita katulad ng pulang-pula, araw-araw, at puting-puti

(6.) Tambalan – ang kayarian na ito ay matutukoy sa pagkakaroon nito ng dalawang salitang pinagtambal katulad ng ngiting-aso, kapit-tuko, at ningas-kugon.

Hope it helps you :)

#CarryOnLearning