Panuto: Basahin ang talata. Ibigay ang wastong paksa at isulat ito sa patlang. Pumili sa
loob ng kahon sa ibaba.

1. Mahirap ang magulang ni Andres. Hindi siya nakapag-aral. Maaga siyang
naulila. Siya ang nagpalaki sa kaniyang mga kapatid. Ngunit sa sariling
pagsisikap ay natuto siyang bumasa at sumulat. Tinuruan muna siyang bumasa
ng kaniyang ate. Napaunlad niya ang kaalamang ito. Nakabasa at nakasulat siya
gaya ng nagtapos sa paaralan.
Paksa: __________________________________________________________

2. Ang platypus o duckbill ay isang hayop na may kakatwang anyo. Palapad ang
katawan nito na nababalot na maiikli at pinong balahibong kulay kape. Tila sagwan
ang buntot nitong maikli, malapad, at nababalutan ng magaspang na buhok. Maiikli
ang apat nitong mga paa na may magkakadikit na mga daliri. Wala itong leeg. May
maliit itong mata at tenga na naisasara kapag nasa ilalim ng tubig.
Paksa: ____________________________________________________________

3. Ang mag-asawang Lito at Anita ay kapwa natatrabaho sa isang parlor. Araw-araw ay
nagtatabi sila ng pera sa kanilang alkansiya. Dahil sa pagiging masinop nila, sila ay
nakapagtabi ng pera para sa pag-aaral ng kanilang anak sa kolehiyo. Kaya’t nang
dumating ang araw ng enrolan, di na sila namroblema para sa matrikula.
Paksa: ___________________________________