13. Bakit sumiklab ang digmaang Pilipino at Amerikano?
A. Dahil hindi magkasundo sa relihiyon
B. Dahil nagkakalamangan sa kapangyarihan
C. Dahil sa pagpatay sa dalawang Pilipino
D. Dahil nais kunin ng mga Amerikano ang mga ari-arian ng mga Pilipino

14. Alin sa mga sumusunod ang ginawa ni Hen. Gregorio del Pilar upang tulungan sa pagtakas si Aguinaldo?
A. Itinuro ang maling daan sa mga Amerikano.
B. Nagtago sa mga bahay na bato upang hindi mahuli
C. Binuwis ang buhay huwag lamang madakip si Aguinaldo.
D. Naghanap ng paraan upang makatakas sa mga Amerikano

15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkamakabayan?
A. Palaging nanonood ng pelikulang dayuhan.
B. Mas gustuhing manirahan sa ibang bansa.
C. Palaging bumibili ng produktong gawa sa Pilipinas.
D. Mas binibigyan ng pagkakataon ang mga dayuhan na magtrabaho sa Pilipinas.

16. Sa naging labanan ng mga Amerikano at Pilipino sa Samar, itinuturing na isa ito sa malagim na
pangyayari sa kasaysayan. Ano ang tinawag dito?
A. Balangiga Day
B. Balangiga Festival
C. Balangiga Massacre
D. Sayaw sa Balangiga

17. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang pagkamit ng kalayaan laban sa mga sundalong Amerikano?
A. Sila ay nakipagsabwatan sa mga Amerikano
B. Sila ay nakipaglaban kahit itaya ang kanilang buhay.
C. Sila ay nakipagkaibigan sa mga Amerikano
D. Sila ay nagpakupkop sa ibang lahi upang makalaban.

18. Sinong heneral ang huling sumuko na nagwakas sa digmaang Pilipino-Amerikano?
A. Heneral Emilio Aguinaldo
B. Heneral Vicente Lumban
C. Heneral Miguel Malvar
D. Heneral Antonio Luna

19. Bakit Inutos kaagad ni Pangulong McKinley ang pagbuo ng Pamahalaang Militar sa Pilipinas
pagkatapos bumagsak ang Maynila sa mga Amerikano?
A. Upang magtatag ng Pamahalaang Amerikano
B. Upang mapigilan ang mga pag-aalsang maaring sumiklab sa bansa
C. Upang maitaguyod ng mga Pillpino ang mga produktong galing ng Maynila
D. Upang ipakita sa mga Pilipino na sila ay may mas malakas na kapangyarihan​