Nagawa
- pandiwang nangyari na.
e.g.
umani, pinarangalan, nagpakasaya, umalis, kumain, gumanda, bumilis, bumagal, naglaba, nagsulat, tumakbo, umupo, nag-unat ng katawan, gumising, ninais, ginamot, ipinag-tanggol, isinaboy, itinakwil, itinapon, tiniklop, tinakpan, sumigaw, sumayaw, sumamba, nag-simba, tinalo at iba pa.
Ginagawa
- pandiwang nangyayari sa kasalukuyan.
e.g.
umaani, pinaparangalan, nagpapakasaya, umaalis, kumakain, gumaganda, bumibilis, bumabagal, naglalaba, nagsusulat, tumatakbo, umuupo, nag-uunat ng katawan, gumigising, ninanais, ginagamot, ipinag-tatanggol, isinasaboy, itinatakwil, itinatapon, tinitiklop, tinatakpan, sumisigaw, sumasayaw, sumasamba, nagsi-simba, tinatalo at iba pa.
Gagawin
- pandiwang hindi pa nangyayari at mangyayari pa lamang.
e.g.
aani, paparangalan, magpapakasaya, aalis, kakain, gaganda, bibilis, babagal, maglalaba, magsusulat, tatakbo, uupo, mag-uunat ng katawan, gigising, nanaisin, gagamutin, ipag-tatanggol, isasaboy, itatakwil, itatapon, titiklupin, tatakpan, sisigaw, sasayaw, sasamba, magsi-simba, tatalunin at iba pa.
-Have a good morning!!!