Sagot :
Answer:
Ang kultura ng Japan ay malaking naimpluwensiyahan ng bansang Tsina. Bukod pa rito, may panahon noon na sinarado ng Japan ang pinto nito sa mundo. Ito ang nagpaigting sa mayaman na kultura ng Japan. Sa kasalukuyan, may impluwensiya na rin ang Kanlurang kultura sa Japan. Sa kabilang banda naman, ang tradisyon ng Japan ay nagbibigay ng malaking importansya sa kahalagahan ng pamilya.
Kultura ng Japan
Narito ang naging galaw ng kultura sa Japan:
Ang pinakaunang kultura ng Japan ay naimpluwensiyahan nang malaki ng bansang Tsina.
Kalaunan, noong panahon ng Edo, sinarado ng Japan ang pinto nito sa buong mundo. Dahil dito, umigting ang mayaman na kultura ng Japan.
Matapos ang panahon ng Edo noong 1868, binaligtad ng Japan ang sitwasyon. Binuksan nito ang bansa nila sa buong mundo. Dahil dito, umigting ang Kanlurang kultura sa Japan.
Tradisyon ng Japan
Parte ng tradisyon ng Japan ay ang pagkakaroon ng malaking pagpapahalaga sa pamilya.
Kasama rin sa tradisyon at kultura ng Japan ang sports katulad ng baseball, soccer at rugby.
Ang pangunahing relihiyon sa Japan ay Shinto at Budismo.
Iyan ang mga detalye tungkol sa kultura at tradisyon ng Japan. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click:
Detalye ukol sa popular culture sa Japan: brainly.ph/question/433790
Relasyon ng Japan at Pilipinas: brainly.ph/question/2160314
Ano ang kontribusyon ng Japan sa kultura ng Pilipinas? brainly.ph/question/114280