Nasa Huli ang pagsisisi Si Pedro ay ang tipo ng bata na hindi mahilig lumabas ng silid. Pagkatapos ng kaniyang klase ay diretso na siyang umuwi sa kanilang bahay. Isang araw, natanaw niya sa kanilang bintana na may mga batang naglalaro ng bola sa labas ng kanilang bahay. Inggit na inggit siya habang tinatanaw niya ang mga batang nagkakasiyahan at nagtatawanan sabay ng pagpapasahan ng bola sa isa't isa. Nais naman niyang maglaro ngunit tali siya sa kaniyang gawaing pampaaralan dahil sa pangaral ng kaniyang magulang na mag-aral muna bago maglaro. isang hapon, hindi natiis ni Pedro ang labis na pagkasabik sa paglalaro. Iniwanan niya ang kaniyang takdang-aralin at lumabas para makipaglaro sa mga bata sa labas. Sa sobrang tuwa sa ginawang laro nito, nakalimutan niyang gawin ang kaniyang takdang-aralin. Umuwi siya nang hapong-hapo na di man lang niya nagawang magpalit ng damit pantulog. Kinabukasan, hindi namalayan ni Pedro na pumasok siya na walang mga takdang-aralin. Nang tinawag siya ng kanyang guro, wala siyang naisagot. Walang imik siya sa klase dahil sa nangyari. Hiyang-hiya siya sa kanyang sarili. "Pangako ko, tatapusin ko muna ang gawain ko sa klase bago makipaglaro," sambit niya sa sarili pagkatapos niyang hindi masagot ang tanong ng guro. 1. Ano ang natanaw ni Pedro sa kanilang bintana? 2. Bakit hindi niya magawang makapaglaro sa labas? 3. Ano ang ginawa ni Pedro para makapaglaro siya? 4. Ano ang nangyari sa klase ng tinawag siya ng guro? 5. Ano ang aral na natutuhan ni Pedro sa pangyayaring ito?​

Nasa Huli Ang Pagsisisi Si Pedro Ay Ang Tipo Ng Bata Na Hindi Mahilig Lumabas Ng Silid Pagkatapos Ng Kaniyang Klase Ay Diretso Na Siyang Umuwi Sa Kanilang Bahay class=

Sagot :

Answer:

1. Natanaw ni Pedro ang mga bata na naglalaro ng bola sa labas ng kanilang bahay.

2. Dahil marami pa siyang kailan gawin na takdang aralin.

3.  Iniwanan niya ang kaniyang takdang-aralin at lumabas para makipaglaro sa mga bata sa labas.

4. tinawag siya ng kanyang guro, wala siyang naisagot. Walang imik siya sa klase dahil sa nangyari. Hiyang-hiya siya sa kanyang sarili.

5. Nangako siya na gagawin muna niya ang kaniyang takdang aralin bago makipaglaro sa labas.

Explanation:

Hope it helps

PA BRAINLIEST PO TNX!