Ang harana ay tunay na matandang kaugaliang Pilipino. Nagsimula ito noong unang panahon ng mga Kastila. Sa harana, inaawitan ng malambing sa hatinggabi ng mga binata ang mga dalagang naiibigan o nais nilang maging kaibigan. Umaawit ng malambing ang mga naghaharana sa saliw ng gitara o biyolin. Sa kasalukuyan, unti unting nawawala ang harana. b.