Una sa lahat, tinanong ko ang sa aking palagay ay may alam sa pangyayari kung ano ba ang katotohanan sa pagnanais na matanggal agad ang aking pagdududa. Pagkatapos noon, ay kinumbinse kung paniwalaan ang aking narinig upang mawala ang aking pagdududa. Inisip ko dapat ay walang pagdududa sapagkat ang lahat ng tao ay taglay ang kabutihan at iyon ay dapat paniwalaan. Ngunit, may mga panahon na di mawala agad ang aking pagdududa at don labis ang aking pagsusumano sa Maykapal na tanggalin ang pagdududa sa aking puso. At kapagdaka'y gumagaan ang aking dibdib at doon ay tuluyan ko ng nakalimutan ang aking pagdududa.
#LETSSTUDY