Answer:
Sa panahon ng Digmaan:
Ang pakikilahok sa iba’t ibang labanan upang matiyak ang kasarinlan ng bansa.
Ang patuloy na ipagmalaki ang bansa sa kabila ng mga pananakop ng iba’t ibang kolonya.
Ang pagtulong sa mga sugatang Pilipino dulot ng pagtatanggol sa bayan.
Paggamit ng sariling wika sa kabila ng iba’t ibang wikang ipinakilala sa bansa.
Pakikiisa sa adhika ng mga taong nais mabigyan ng laya ang bansa.
Sa kasalukuyan:
Pagsunod sa bawat batas na ipinatutupad ng pamahalaan
Pagbibigay galang sa watawat o bandila ng bansa
Pagmamalaki sa lahing Pilipino sa loob at labas man ng bansa
Pagtangkilik sa sariling mga produkto gayundin ang paggamit ng sariling wika bilang salamin ng ating lahi.
Pagkakaroon ng disiplina upang makatulong sa pagpapaunlad ng bansa
Explanation:
Ang pagmamahal sa bayan mula sa panahon ng digmaan at sa kasalukuyan ay maaaring maipakita sa iba’t ibang pamamaraan.