Answer:
1. Prime interval
2. 5th interval
3. 4th interval
4. 2nd interval
5. 3rd interval
Explanation:
Ang interval ay ang distansiya sa pagitan ng dalawang nota.
1. Prime interval - Ang dalawang nota ay parehong nakasulat sa iisang espasyo sa limguhit kaya ito ay prime interval. Ang unang nota ay la at ang pangalawang nota ay la din.
2. 5th interval - Ang unang nota ay la at pangalawang nota ay re. Ang mga nota na nakasama sa interval na may direksiyon pababa simula la hanggang re ay la, so, fa, mi, at re; limang nota kaya ito ay 5th interval.
3. 4th interval - Ang unang nota ay la at pangalawang nota ay mi. Ang mga nota na nakasama sa interval na may direksiyon pababa simula la hanggang re ay la, so, fa, at mi; apat na nota kaya ito ay 4th interval.
4. 2nd interval - Ang unang nota ay la at pangalawang nota ay so. Ang mga nota na nakasama sa interval na may direksiyon pababa ay la at so lamang; dalawang nota kaya ito ay 2nd interval.
5. 3rd interval - Ang unang nota ay la at pangalawang nota ay do. Ang mga nota na nakasama sa interval na may direksiyon paakyat simula la hanggang do ay la, ti at do; tatlong nota kaya ito ay 3rd interval.
Interval
https://brainly.ph/question/10413242
#LETSSTUDY