Magbigay ng isang pakikipagsapalaran na hinarap ni Santiago sa nobelang "Ang Matanda at ang Dagat".​

Sagot :

Answer:

Ang Matanda at Ang Dagat

Ang nobelang ang matanda at ang dagat ay isinalin sa Filipino mula sa ingles ni Jesus Manuel Santiago " The Old man and the sea ni Ernest Hemingway.

Sadyang napakahirap ang kalagayan ng isang tao kapag siya ay nasa dagat sapagkat hindi niya ito teritoryo. Sa nobela makikita ang pakikipagtungalian at pakikipagsapalaran ng matanda sa pating.

Ang matanda ay nakikipagsapalaran sa kalikasan gaya ng bagyo at malakas na hangin ngunit sa mga panahong iyon ay maganda ang panahon sapagkat mataas ang cumulus cloud at may sapat na cirrus sa ibabaw. Ngunit may mga pakikipagsapalarang natamasa ang matanda sa kanyang pangingisda.

Mga pakikipagsapalaran na hinarap ni Santiago o Matanda sa nobela.

1. Kanyang nakasalubong ang isang pating. Ito ay ang pinakamalaking pating sa mako. Ang pating na tinututuring na pinakamabilis sa dagat.

2. Hindi mapipigilan ng matanda ang pag atake sa kanya ng pating ngunit kanyang ginawa ang lahat upang mapatay ang matanda.

Anong uri ng tunggalian ang kanyang hinarap at ano ang naging bunga nito.

3.Dalawang oras na naglalayag ang matanda at kumakain ng karne ng isda at sinisikap niyang magpa hinga ngunit mayroong isang pating na naman na sumalakay sa kanya.

Nang makita ng matanda na paparating na ang pating ay kanyang inihanda ang kanyang sarili nang walang takot at handa niyang gawin ang lahat ng gusto niyang gawin.

Buong-buo ang pag-asa ng matanda na mapapatay niya ang pating. At nang ito ay makalapit kanyang sa pamamagitan ng kanyang pain, isinaksak niya ang salapang sa ulo ng pating sa dakong nagtatakbo ang guhit ng mga mata at ang guhit ng ilong.

Napuruhan ng matanda ang kinalalagyan ng utak ng matanda.

Patay na ang pating ngunit lumalaban ito sa matanda. Sapagkat humahagupit ang buntot nito at lumalagutok ang mga panga.Sinuyod ng pating ang tubig tulad ng pag haginit ng speed boat.

Sa pagsugod ng ikalawang pating muling nag handa ang matanda kanyang iniligpit ng mabilis ang tela at isiniksik ang timon. Muli niyang kinuha ang sagwang tinalian niya ng lanseta. Ngunit kakaiba ang pating na kanyang nakalaban. Muli siyang nakipag tunggali sa pating. Muli niyang dinukwang at hinambalos sa pamamagitan ng kanyang lanseta. Tinamaan ng matanda ang gitnang-gitna ng sapad sa ulo habang lumitaw sa tubig ang nguso at inginasab sa isda at kanyang muling napatay ang pating.