"Niyog" Ni Crizelle Gay P. Japon May isang batang nagngangalang Marico na nakatira sa barangay Sigayan, Dapitan City. Siya ay sampung taong gulang. Nasa ika-apat na na siya ngayong pasukan at nag-aaral sa Sigayan Elementary baitang School at Hilig niyang makipaglaro ng dakpanay sa mga kaldase noong mga panahong pumapasok pa sa paaralan kaya sabik na sabik na sana siya sa pasukan ngunit dahil na pandemyang dinaranas ngayong taon ay mapipipilitan ang mga batang kagaya niya na manatili na lamang sa bahay. Ngunit upang magkapera makabili ng gustong meryenda, lumalabas at pumupunta sa niyugan o kalubin an si Marko upang mamulot ng mga nahulog na niyog at ibenta ito sa mga kapit-bahay o kakilala sa kanilang komunidad. Ngunit hindi lahat ng kanyang napupulot ay pwedeng ibenta, ang iba sa mga niyog ay kinain na ng mga daga kung kaya kailangan pa talaga niyang maghanap nang maigi sa kasulokeulokan ng niyugan. Malayo sa dagat at lungsod ang pamayanan ni Marko kaya ang kanyang nanay tuwing umaga ay nag-aabang ng habal-habal na naglalako ng isda upang bumili ng mauulam. May mga araw nga walang naglalako ang dumaraan sa kanilang barangay kung kaya minabuti nilang magtanim na lamang ng mga gulay sa kanilang bakuran upang may makain kahit walang mga panindang dumaraan, Ngayong taon, dahil hindi kinakailangang pumasok sa paaralan ang mga kabataan, naisipan ni Marko na magpatuloy sa pangunguha ng mga nahulog na niyog para ibenta at tumulong sa kanyang nanay at tatay sa pagtatanim ng mais at mga gulay. Sagutan:
1. Bakit pumupunta sa niyugan o kalubin-an si Marko? Sagot:
2. Lahat ba ng mapupulot niyang niyog ay pwedeng ibenta? Bakit? Sagot:​


Niyog Ni Crizelle Gay P Japon May Isang Batang Nagngangalang Marico Na Nakatira Sa Barangay Sigayan Dapitan City Siya Ay Sampung Taong Gulang Nasa Ikaapat Na Na class=