Ang pagiging isang bayani ay hindi nangangahulugang isakripisyo mo ang iyong buhay para sa ikabubuti ng iba. Sa panahon ngayon, kahit sino ay maaari ng maging bayani sa kanilang sariling pamamaraan. Kahit ang isang kabataang kagaya ko ay maaari ring maging bayani. Ang simpleng pagtulong sa mga nangangailangan ay isa sa maituturing na kabayanihan. Ang pagiging matapang at magiting ang batayan ng pagiging isang bayani. Hindi lamang sa pagiging matapang sa pakikipaglaban o pakikipagdigma, kundi ang pagiging matapang sa mga pagsubok na dumarating sa buhay ng isang tao. Ang isang tunay na bayani ay may pagmamahal sa sariling bansa at sa kapwa. At ang pinakaimportante sa lahat ng katangian ng isang bayani ay dapat mayroon siyang respeto at magandang asal sapagkat ang taong may gintong puso ang batayan sa pagiging isang tunay na bayani.