Tinatapos mo ang ikaapat na uri ng sanaysay, takdang-aralin mo sa Filipino na ipapasa mo kinabukasan. Nahihirapan kang gawin ito, dagdag pa ang maraming bagay na umaagaw ng iyong atensiyon. Biglang tumawag ang kapitan ng inyong barangay at pinakikiusapan ka na gumawa ng proyekto para sa kabataan ng inyong Barangay. Gustong-gusto mong gawin ito dahil nababagot ka na sa binubuo mong sanaysay. Kinabukasan din ay kailangan na ito ni kapitan.