Sagot :
Answer:
PAALAM SAPAGKABATA
Salin ni Nazareno D. Bas
Humanismo
May pagkakataon ba kung saan naguguluhan ka sa iyong sariling buhay? Tinatanong mo ang iyong sarili: Sino ako? Bakit ganito ang buhay ko? Minsan, gusto lang natin bumalik sa ating kabataan, ang panahon kung saan wala tayong nalalaman wala tayong iniintindi.
TEORYANG HUMANISMO
- nagbibigay halaga sa dignidad ng tao kabilang nito ang kanyang isip at damdamin
TAUHAN
Celso - pangunahing tauhan sa kwento. Isang bata na tila naguguluhan sa mga pangyayari sa kanyang buhay.
Isidra- ang ina ni Celso na madalas makitang umiiyak
Tomas- ang mahigpit na tatay ni Celso. Isa siyang mangingisda. Madalas natin siyang
makitang pinapagalitan si Celso at si Isidra
Lalaki sa bahay-pawid – isang misteryosong lalaki na may hawak na gitara . Isa rin siyang magaling na mangaawit
BUOD
Inilalarawan ni Celso ang takbo ng kanyang buhay. Isang buhay na tila walang pagbabago, nanatiling maginaw, tahimik, at madilim. Ito ang mundo na nakilala niya. Naririnig ni Celso na nag-aaway ang kanyang mga magulang sa kabilang silid. Umiiyak na naman ang kanyang ina na si Isidra. Hindi pa rin alam ni Celso kung bakit palaging umiiyak siya.
Walang malinaw sa isipan ni Celso. Mula sa kanyang pagkabata, madali siyang mainip. Pinapangarap niya na magkaroon ng isang kapatid dahil sa kanyang pag-iisa Noon ay hindi pinansin ni Celso ang lambat ngunit dalawang taon ang nakaraan noong itinapon ni Isidra ang lambat at nagalit ng husto si Tomas, ang ama ni Celso. Ipinabalik niya ito
Nag-away na naman si Isidra at Tomas. Ipinaliwanag ni Isidra kay tomas na wala siyang kasalanan, na dapat kalimutan na nila ang nangyari at hindi sinasadya niyang magkamali. Sabi ni Isidra na si Tomas lang ang kanyang iniibig. Hindi naiintindihan ni Celso ang nangyari. Mula noon, hindi na ginalaw ng ina ang lambat. Kahit luma na, buong buo pa sa tingin ni Isidra. Nais itanong ni Celso kay Isidra kung bakit mahalaga ang lambat, ngunit sabi ni Isidra na kailangan na niyang maglakad dahil malapit na dumating ang kanyang ama.
Pumunta si Celso sa may dalampasigan kung saan ang mga tao ay naghihintay sa mga mangingisda. Napalingon si Celso nang marinig niya ang isang tugtog sa gitara mula sa isang bahay-pawid. Ang awit ay tungkol sa kasawian ng pag-ibig.
Hindi nakatiis si Celso. Para siyang hinila ng musika kaya pumunta siya sa bahay-pawid. Naalala niya ang utos ng ama na bawal pumunta roon. Hindi niya namalayan na kaharap na niya ang taong naggigitara. Lumuha ang mga mata ng mama. Tatakbo sana si Celso, ngunit nahawakan ng mama ang kamay niya.
Mahagpit nitong niyakap si Celso. Umiyak si Celso. Pinahid ng mama ang luha ni Celso at sabi nito
“Dalawin mo ako palagi ha?”
Parang nakita na ni Celso ang mamang ito, parang nakita niya ito sa salamin. Nagdatingan na ang mga mangigisda. Nakita sila ni Pedro. Sinampal ni Pedro si Celso dahil hindi ito nakinig sa utos.
Naguguluhan si Celso kung bakit ayaw ni Pedro na pumunta siya roon. Pagkatapoos bumalik sila sa bahay. Si Isidra ay nakatingin na naman sa sampayan ng lambat. Luhaan na naman ang mata. Naalala ni Celso yung mama. Lumapit si celso sa salamin at nakita niya ang mukha ng mama.
Kumuha ng itak si celso at pinagtaga nito ang lambat. Nabigla si Isidra at Pedro sa ginawa niya. Nagaapoy ang mata ni Tomas, ngunit nilabanan Celso ang titig nito. Sinuntok ni Pedro si Celso.
Tinadyakan siya kapag tumatayo, hanggang gumagapang na siya. Iningudngod sa lupa ang mukha niya at nakatikim ito ng pawis at dugo. Nawalan ng malay si Celso. Naramdaman na lamang niya ang mainit na bisig na yumayakap sa kanya.
Nakita niya ang mukha ng kanyang tatay, puno ng pagsisisi at pag-unawa. Yinakap niya si Celso ng matagal.
MGA SIMBOLO
Kabataan
Ang pagiging bata ay dumadaan lang ng isang beses sa ating buhay. Si Celso ay hindi nabigyan ng pagkakataon malasap ang pagiging bata.
Lambat- Ang lambat ay naging simbolo ng pagkakakulong ng kanyang pamilya sa isang malaking problema at isinisimbolo ang pagtataksil ni Isidra ang lambat
Salamin--dito nakita ni celso ang pagkakahawig niya sa lalaking naggigitara dito nalaman nya ang kanyang pagkatao
Langit-simbolo ng kasiyahan..
Ang lalaking naggitara ay ang kanyang tunay na ama. Ang kundiman ang dahilan upang magtagpo si celso at ang kanyang ama
Sinira ang lambat- ayaw niya magdusa ang ina
SAKIT SA LIPUNAN
> Hindi tamang pagtrato sa mga batang anak sa labas
> mentalidad na hindi nagiisip bago gawin isang bagay.
ARAL
Pahalagahaan mo ang iyong kabataan dahil nagaganap lamang ito ng isang beses.
Huwag mong gawin ang isang bagay na pagsisisihan mo lamang sa huli
Ang totoong pagmamahal ay binubuo ng pagpapatawad at pag-unawa