TY RZ Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Sagutin ang sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa araling ito. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel. 1. “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili”. Ito ay nangangahulugang: A. Huwag kang mang-aaway ng kapwa tao. B. Tulungan mo ang mga nangangailangan. C. Pahalagahan mo ang iyong kapwa gaya ng sa iyong sarili. D. Gawin mo ang mga bagay na makalulugod sa iyong kapwa. 2. Ang mga sumusunod ay maituturing na kapwa, MALIBAN sa A. kaibigan B. aso at pusa C. kamag-aral D. kapitbahay 3. Alin sa mga sumusunod ang dapat taglayin sa mabuting pakikipagkapwa? A. pag-unawa at paggabay C. pagmamalasakit at pagmamahal B. panghihimasok at pagsali D. pananampalataya at pag-asa 4. Ano ang dapat gawin ng tao upang magkaroon ng pagkakaisa? A. pagbibigayan C. komunikasyon at pagtutulungan B. pagdadamayn D. lahat ng nabanggit