What is sariling paniniwala ?,kaugalian

Sagot :

Sinaunang Paniniwala at kaugalian Mataas ang paggalang ng mga sinaunang Pilipino sa mga kaluluwa ng kanilang mga ninunong pumanaw na. Naniniwala rin silang sagrado ang mga kabunduan, mga ilog at halamang-gamot, malalaking punungkahoy, kwebang sambahan, mabababangis na hayop. Higit ang pagkilala nila sa mga espiritu ng kanilang mga ninuno, kung kaya’t inaalayan nila ang mga ito ng pagkain at papuring awitin o pananalangin. Naniniwala rin sila sa kabilang buhay. Patunay nito ay ang inanyuang dalawang tao na namamangka sa takip ng tapayang Manunggul na pinangangahulugang paglalakbay patungo sa kabilang buhay. Bawat kapuluan ay may sari-sariling paniniwala. Katunayan, iba-iba ang mga katawagan nila sa kanilang mga Diyos: Abba sa mga Cebuano, Kabunian sa mga Ilokano, Bathala sa mga Tagalog, at Laon sa mga Bisaya. May iba-iba ring katauhan ang kanilang diyos tulad nina Sidapa, naghaharing diyos sa langit ng mga Bisaya; Sisiburanen, naghaharing diyos sa impyerno ng mga Bisaya; Hayo, diyos ng karagatan ayon sa mga Tagalog; at Dian Maslanta, diyos ng pag-ibig ayon sa mga Tagalog.