Answer:
Ang maaaring baguhin ng isang tao upang mas mapabuti ang kaugnayan nito sa kanyang pamilya ay ang paglalaan o pagbibigay ng sapat na oras sa mga ito, pagtatapat ng nararanasang problema upang sama samang itong masulosyunan at paglabas ng sama ng loob kung may nararamdamang tampo sa pamilya upang hindi magkaroon ng hindi pagkakaintindihan. Pamilya ang unang nilalapitan kapag may kailangan, kaya napakahalagang magkaroon ng madalas na ugnayan sa mga ito. Kahit na malaki na ang isang tao dapat wag pa ding kalimutan ang pamilya na nag aruga sa atin. Bigyan sila ng oras na makasama at mag kwentuhan kahit pa tayo ay may iba nang pamilya. Lalo na sa panahon ngayon na marami nang teknolohiya kadalasan ay mas nakapokus ang mga tao dito kaysa sa pakikipagusap sa pamilya. Panatilihing konektado sa ating pamilya dapat.
DAPAT GAWIN UPANG MAS MAPABUTI ANG KAUGNAYAN SA PAMILYA//brainly.ph/question/9345848
#LETSTUDY