ano ang suring-basa? suring pampelikula at suring pantelibisyon? (10)​

Sagot :

ano ang suring-basa?

  • Ang isang suring-basa ay maikling pasusuring pampantikan. Ito ay naglalahad ng sariling opinyon o kuro-kuro tungkol sa isang kwento, talata, o sulat.
  • Naglalayon itong maipakita ang kaisipang matatagpuan sa isang akda at kung bakit ito mahalaga. Dapat rin nating tandaan na ang paggawa ng suring basa ay mas madali kapag gumawa muna tayo ng sinopsis o maikling lagom.
  • Dahil sa sinopsis na ito, mas madali nating maipahayag ang kaisipan sa isang malinaw at konkretong paraan. Bukod dito, gumagamit din ng pananalitang matapat ang suring basa.

Karagdagan, dapat mo ring tignan at bigyang halaga ang paraan at estilo ng pagkakasulat nito. Ang suring-basa ay mayroon ring IV na parte. Ito ang sumusunod:

1. PANIMULA

  • Uri ng panitikan – Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat, sa himig o damdaming taglay nito.

2. PAGSUSURING PANGNILALAMAN

  • Tema o Paksa ng akda – Ito ba’y makabuluhan, napapanahon, makatotohanan at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng mambabasa

3. PAGSUSURING PANGKAISIPAN

  • Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda – Ang isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan.

4. BUOD

  • Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye ang bigyang-tuon.