ART
II. Tukuyin kung sinong tanyag na pintor ang inilalarawan ng bawat bilang.
1. Si _____
isang dalubhasang pintor ng mga larawan ng tao at larawan ng mga pang-araw-araw na
gawain na malaya niyang ginamitan ng maliliiwanag at sari-saring mga kulay. Karamihan sa kaniyang mga
ipininta ay nagpapakita ng kalikasan, ng mga luntiang bukirin, ng maliwanag na sikat ng araw at mabagal na
galaw ng buhay sa bukid. Ilan sa kiniyang mga ipininta ay ang "Planting Rice," "Road by the Sea", at "The First
Man".
2. Si ______
ang tinaguriang “The Poet of Angono" dahil sa istilo ng kanyang pagpipinta. Siya ay isa sa
modernistang pintor na lumihis sa itinakdang kumbensyon ng pagpipinta ni Amorsolo, at nagpasok ng sariwang
imahen, sagisag at idyoma sa pagpipinta. Nagpinta siya ng sari-saring myural, gaya sa Bulwagan ng Lungsod
ng Maynila at iba pa.
3. Si ______
ay isa ring tanyag na pintor na tinaguriang "Master of the Human Figure". Gumamit ng
sabay-sabay na elemento sa pagpinta na kung saan ay binigyan niya ng pansin ang mga kultura sa iba't ibang
nayon sa bansa. Pinaunlad niya ang kaniyang husay sa pagpapakita ng transparent at translucent technique na
makikita sa kanyang mga obra.
4. Si _______
ang tinaguriang "Father of Modern Philippine Painting". ang kanyang istilo sa pagpinta ay
taliwas sa istilo ni Amorsolo. Siya ay gumamit ng madilim at makulimlim na kulay sa kanyang mga obra. Ang
mga manggagawa ang ginamit niyang tema upang mabigyang pansin ang sakripisyo na dinaranas ng mga ito.​