1. Tuwing naririnig ko ang gayong payo ni Tungkung Langit, hindi ko mapigil ang maghinanakit. Kaparis ko rin naman siyang bathala, bathala na may angkin ding kapangyarihan at dunog. Tila nagtutukop siya ng mga tainga upang hindi na marinig ang aking pagpupumilit.
Hinuha:
2. Araw – araw, lalong nagiging abala si Tungkung Langit sa kaniyang paggawa ng kung ano – anong bagay. Makikita ko na lamang siyang umaalis sa aming tahanan nang napakaaga, kunot noo, at tila lagging malayo ang iniiisip. Aaluin ko siya at pipisilin naman niya ang aking mga palad.
Hinuha:
3. Oo, nilisan ko ang aming bahay nang walang taglay na anumang mahalagang bagay. Nang lumabas ako sa pintuan, hindi na muli akong lumingon nang hindi ko makita ang bathalang iniibig ko noong una pa man.
Hinuha:
4. Pumaloob din si Tungkung Langit sa daigdig na nilikha niya na laan lamang sa mga tao. Naghasik siya ng mga buto at nagpasupling ng napakaraming halaman, damao, palumpong, baging, at punongkahoy. “Marahil, maiibigan ito ni Alunsina,” ang tila narinig kong sinabi niya
Hinuha:
5. Hindi ko kailangan ang aking kapangyariahan kung ang kapangyarihan ay hindi ko rin naman magagamit. Hindi ko kailangan ang kapangyarihan kung magiging katumbas iyon ng pagkakabilanggo sa loob ng bahay at paglimot sa sariling pag – iral.