Sagot :
Answer:
Ang PAGGALANG ay nagsimula sa salitang
Latin na "respectus" na ang ibig sabihin ay "paglingon o pagtinging muli,” na ang ibig sabihin ay naipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay. Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nakapagpapatibay sa kahalagahan ng paggalang.
MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG PAGGALANG SA OPINYON NG IBA
Maging bukas tayo sa mga opinyon ng iba, ngunit kailangan muna nating suriin kung ito ba ay makakabuti o makakasama hindi lamang para sa sarili kundi para sa lahat.
Kung may pagkakataong hindi nagustuhan ang naibigay na opinyon sa iyo, maging mahinahon lamang sa pakikipag-usap, wag agad magagalit o magsasalita ng hindi maganda, palaging isa-alang alang ay ang mararamdaman ng taong nagbigay nito. Lahat naman ay maaaring idaan sa maayos na usapan.
• Iwasang magbigay ng mga mungkahi o opinyon na makakasakit ng damdamin ng ibang tao.
•Magkakaiba man tayo ng mga perspektibo sa buhay, palaging piliin ang pagkakaroon ng pagtanggap,
pagtanggap sa kagustuhan ng iba. Kailangang tanggapin natin ang opinyon ng iba lalo na kung ito ang MAS makabubuti, maging tiyak at sigurado lamang bago isagawa ito.
•Kung may isang paksang tinatalakay o pinag-uusapan, hingin muna ang opinyon o saloobin ng lahat, pagkatapos ay pagsama-samahin ang lahat ng ito, timbangin ang mga maaring gawin at hindi gawin at saka magkaroon ng konklusyon.
PAANO MAISASABUHAY ANG PAGGALANG NA GINAGABAYAN NG KATARUNGAN AT PAGMAMAHAL?
1. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon at pagkilala sa halaga ng lipunang kinabibilangan.
2. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad at magwasto sa kaniyang pagkakamali.
3. Pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa, sa pamamagitan ng patuloy na pagtulong at paglilingkod sa kanila.
4. Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapuwa sa pamamagitan ng maayos at marapat na pagsasalita at pagkilos.
5. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng angkop na paraan ng paggalang. 6. Suriing mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapuwa upang makapagbigay ng angkop na tulong bilang pagtugon sa kanilang pangangailangan.
7. Bilang bahagi ng katarungan, ibigay sa kapuwa ang nararapat sa kanya at ang nararapat ay ang paggalang sa kanyang dignidad.
8. Sa pakikipag-usap sa kapwa, iwasan ang madaliang paghuhusga at pagbibitiw ng masasakit na salita.
9. Laging isaisip ang kahalagahan ng tunay na paglilingkod sa kapwa na may kalakip na pagmamahal at pagpapatawad.